Search This Blog
Mommy Blogger PH. Easy Recipes, Dinner Ideas, Home Tips, Cleaning Tricks, DIY Projects Mom Magazine Philippines
Featured
- Get link
- X
- Other Apps
Pinoy Kimchi Recipe: Kung Paanong Gumawa ng Kimchi sa Bahay
Hindi ko na matandaan kung kelan ako unang na addict sa Kimchi.Simula ba noong manood ako ng mga Korean Drama? O simula nung mahilig ako sa pag fe ferment?
Basta me panahon na halos di ako makakain ng walang kimchi. Napakasarap na pampagana at masarap kapartner ng karamihan sa Pinoy food tulad ng piniritong galunggong, inihaw na bangus, bulalo, nilagang baboy, at syempre ang national instant noodles.
Noong una, akala ko mahirap syang gawin. madali lang pala. Matagal nga lang at nakakainip maghintay. May nakilala akong OFW online na nasa Korea na nagturo sa akin kung papaano gumawa ng Kimchi sa bahay.
Isa sa mga pangarap ko ang pumunta sa Korea upang tikman ang original na Kimchi at ano ang difference sa available dito sa atin. Hindi sa kung ano pa man pero mas nasasarapan ako sa recipeng ito dahil mas malapot sya at mas malasa kumpara sa kalimitang nabibili ko sa grocery na mga naka bote. Marahil ay dahil sa giniling na bigas? O baka naman dahil sa espesyal na flavoring na Magic Sarap. Hahahaha, Bahala na kayong humusga kung gusto nyo ng mas healthy ha!
Pinoy Kimchi Recipe
Ingredients:
2 kilo Pechay Baguio
3 pack Magic Sarap
1 cup Malagkit (Glutinous) Rice
1 pack Chili Powder
1/4 cup Soy Sauce
3 cup Onion
1 cup Luya
2 Whole Garlic
spring onion
Procedure:
1. Hatiin ang Pechay sa apat at ibabad sa asin ng 30-40 minutes. Banlawan ng mabuti ang Pechay para hindi umaalat .ang Kimchi. Ihanda sa isang malaking bandehado o palanggana.
2. Isaing ang malagkit na kanin.
3. Ilagay sa blender ang nalutong bigas, bawang, luya, at sibuyas at durugin ng pinong pino.
4. Ihalo ang Magic Sarap, Chili Powder, Spring Onions, at Soy Sauce sa na blender na sauce. I pulse ng kaunti sapat lamang para magsama ang mga sangkap.
5. Itaktak ang sauce sa nakahandang Pechay at imasahe hanggang kasuluk sulukan ang sauce. (magingat sa parteng ito dahil maanghang ang sauce. Maaring gumamit ng gloves para ma protektahan ang kamay. Iwasang mag kusot ng mata.
6. Kapag buong Pechay ay nababalut I transfer sa lagayan, preferably botean na ng chili sauce, maingat na ilipat sa malinis na garapon or malaking lagayan ang kimchi. iwasang gumamit ng plastic.
7. Iwanan lamang sa room temperature ang Kimchi ng mga 5 araw. Huwag masyadong isara ang bote habang nag fe ferment.
8. Paminsan minsang i tulak ang Pechay pababa sa ilalim ng naiipong kimchi sauce. Taste test mo after 3 days. Dahil sa mainit dito sa Pilipnas, mas madaling mag ferment ang Kimchi. Kung okay na sa iyo ang lasa, ipasok sa refrigerator and Kimchi para hindi magtuloy tuloy ang fermentation process.
Note: Maari rin itong samahan ng carrots, kung iyong nais. Nag e experimento rin ako ng ibat ibang gulay na pedeng i ferment tulad ng labanos, pipino o papaya.
Special thanks to Ms. Ellen Villanueva Uranza at Sis Catherine Miranda Cortez for the recipe.
The post Pinoy Kimchi Recipe: Kung Paanong Gumawa ng Kimchi sa Bahay appeared first on Relax Lang Mom! Pinay Mommy Blog | Home, Living, and Lifestyle.
source https://relaxlangmom.com/food/recipes/veggies/pinoy-kimchi-recipe-kung-paanong-gumawa-ng-kimchi-sa-bahay/
- Get link
- X
- Other Apps
Popular Posts
How to make tteokbokki (Hot and Spicy Rice Cakes)
- Get link
- X
- Other Apps
Chicken Liver with Beans, Peppers, and Onions
- Get link
- X
- Other Apps
Comments
Post a Comment